Pinoy jokes, News, Travel and Links - The best of the Philippines Get Residency in Hong Kong! Click here for information on Hong Kong's Capital Investment Entrant Scheme    

Pinoy jokes, News, Travel and Links - The best of the Philippines Home Forums Start Page Forums Frequently Asked Questions FAQ Member List Members List
Go Back   Pinoy jokes, News, Travel and Links - The best of the Philippines > Pinoy Chit-Chat > Poems

User Name
Password
Register vBPicGallery Calendar Calendar Arcade Mark Forums Read

Poems Poems from our members

 
Google
 
Web praning.com
 

tayutay!

tayutay!

this thread has 16 replies and has been viewed 28184 times

Reply
 
Thread Tools Rating: Thread Rating: 10 votes, 3.30 average. Display Modes
  #1  
Old 24th October 2003, 08:43 PM
maRithe_enzo08's Avatar

maRithe_enzo08 maRithe_enzo08 is offline
dream*beliv*surviv
 
 Join Date: 24-11-2002
  6 month star 12 month star
 Location: sA haUs nam3n
 Posts: 539
 Reputation: maRithe_enzo08 (10)
tayutay!

heLp po!!! anu-ano po ung 32 uri ng tayutay??at examples???

kahit 20 lng bigay nyo no isa.....
__________________
i'll be w8ting 4 u
hir nsyd my hart im d 1 hu wnts to luv u mor...
Reply With Quote
  #2  
Old 24th October 2003, 09:05 PM
charleyNicko's Avatar

charleyNicko charleyNicko is offline
ssshhh!
 
 Join Date: 22-04-2003
  6 month star 12 month star
 Location: somewhere i belong...
 Posts: 3,587
  Send a message via Yahoo to charleyNicko
 Reputation: charleyNicko (10)
i2 lang alam ko....

Simili o pagtutulad
Sinasabing ito ang pinakamadaling kilalanin sapagkat gumagamit dito ang mga salitang parang, wangis, wari, gaya ng, animo, tila at mistulang na nagpakita ng isang tahasang paghahambing o pagtutulad ng dalawang magkaiba o di-magkauring bagay, tao, pangyayari, kaisipan, atbp. Isa si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) sa mga naging tanyag sa paggamit ng simili sa kanyang mga akda.

Hayperbole o pagmamalabis
Hayperbole o pagmamalabis ang ginagamit kapag pinapasidhi ang ibang bagay, pangyayari, kaisipan o damdamin.

Onomatopeya
Onomatopeya naman ang tawag sa paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siya ring kahulugan. Halimbawa nito ay, "Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong."
Pag-uyam
Kung mahilig naman mangutya, kadalasang ginagamit na kasama sa salita ang pag-uyam (irony of sarcasm). Ang magandang halimbawa nito ay kung papurihan ng iyong kaibigan ang iyong suot mong damit subalit bigla nitong sinabing kahit mumurahin ay bagay naman sa iyo. Ang tawag dito ay "mga simpleng banat." Sa paraan ng pagsasalita nito ay kadalasan binibigyan ng diin ang salitang ginagamit.

Pagsusukdol at antiklaymaks
Kadalasang ginagamit ang pagsusukdol sa pagpapakilala ng isang panauhin-ito man ay sa isang simpleng patimpalak o malalaking pagtatanghal. Ito ay upang malaman kung ano at saan galing ang ipinakikilala. Inihahanay ang kaisipan o salita base sa kahalagahan. Halimbawa nito ay pagpapakilala ng mga hurado sa isang timpalak kagandahan.
Kabaliktaran naman nito ang antiklaymaks. Ito ay pananalitang nagsisimula sa panlahat (general) hanggang sa pinakaespesipik (specific) o mula sa pinakamataas hanggang pinakamababa.

Pagdaramdam at pagtatambis
Ang pagdaramdam naman ay nagsasaad ng matinding damdamin. Samantala, pagtatambis ang sinasambit kapag pinagsasama ang dalawang bagay na magkasalungat upang mangibabaw ang katangian ng ipinahahayag.

Antitesis o epigram at metonimiya
Ang antitesis o epigram ay tulad ng pagtatambis. Pinagsasama ang mga magkakasalungat na salita. Kung ang isang bagay na tinutukoy naman ay gustong halinhinan ng ibang katawagan, ang dapat gamitin ay metonimiya.
__________________
When we were together,
You said you'd die for me...
Now we've broken up,
I think it's time
To keep your promise.
Reply With Quote
  #3  
Old 24th October 2003, 09:23 PM
charleyNicko's Avatar

charleyNicko charleyNicko is offline
ssshhh!
 
 Join Date: 22-04-2003
  6 month star 12 month star
 Location: somewhere i belong...
 Posts: 3,587
  Send a message via Yahoo to charleyNicko
 Reputation: charleyNicko (10)
ook na ba 2
__________________
When we were together,
You said you'd die for me...
Now we've broken up,
I think it's time
To keep your promise.
Reply With Quote
  #4  
Old 2nd November 2003, 05:46 PM
charleyNicko's Avatar

charleyNicko charleyNicko is offline
ssshhh!
 
 Join Date: 22-04-2003
  6 month star 12 month star
 Location: somewhere i belong...
 Posts: 3,587
  Send a message via Yahoo to charleyNicko
 Reputation: charleyNicko (10)
^_^
__________________
When we were together,
You said you'd die for me...
Now we've broken up,
I think it's time
To keep your promise.
Reply With Quote
  #5  
Old 9th December 2003, 09:16 PM

kyut_ako kyut_ako is offline
im damn cute!
 
 Join Date: 21-10-2003
  6 month star 12 month star
 Location: LB, Laguna
 Posts: 215
  Send a message via Yahoo to kyut_ako
 Reputation: kyut_ako (10)
Mga Uri Ng Tayutay

Mga Tropes- mga tayutay kung saan pinapalitan nito ang tipikal na kahulugan o depinisyon ng isang salita o mga salita.

Metaphor--Pagpapalit ng isang salita para sa isang salita kung saan ang kahulugan nito ay malapit sa orihinal na salita. Ex. Sinabing ang mukha mo’y anghel sa langit.

Metonymy--Pagpapalit ng pangngalan para sa isang pangngalang naglalarawan sa mismong salita, tulad ng pagpapalit sa imbentor para sa kanyang imbensyon, ng lalagyan sa bagay na inilalagay sa nasabing lalagyan. Ex. Ang kapangyarihan ng korona ay humina.

Synecdoche--Pagpapalit ng isang salitang tumutukoy sa isang bahagi ng kabuuan ng isang bagay, upang ilarawan ang kabuuan ng nasabing bagay. Ex. Ito ba ang mukhang nagpakawala ng libu-libong mga bapor?

Simile--Pagkukumpara ng dalawang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng parang at kasing. Ex. Ikaw ay parang bituin sa langit. Kasing ganda mo ang mga bulaklak.

Irony--Paglalahad ng kahulugang salungat sa ipinapahatid ng mga salita. Ex. Siya ay guwapo ngunit pangit ang ugali.

Metalepsis--Ito ay dinobleng metonymy kung saan ang epekto ay ipinapakita ng mga dahilan. Ex. Nahulog ang bata sa kabundukan dahil sa walng pag-iingat.

Paradox--Isang pangungusap na nagkokontradik sa nais ilahad na punto o konsepto, na dapat pang patunayan ang katotohanan ng inilalahad na ideya. Ex. Ang dagat ay maganda ngunit madumi ang kaligiran.

Oxymoron--Pinaiksing paradox sa antas ng isang talata. Ex. O ang dakilang hari! Haring dakila!

Anthimeria--Pagpapalit ng isang bahagi ng pananalita para sa isang bahagi ng pananalita; halimbawa, pang-abay para sa pangngalan o kaya pangngalan para sa pang-abay. Ex. Labag sa kalooban ng bata ang pag-alis ng kanyang ina.

Litotes--Understeytment o pag-iiba ng kahulugan ng tinutukoy. Ex. Hindi siya isang gago.

Hyperbole--Ginagamitan ng eksaheradong paglalahad upang makabuo ng isang malakas na impresyon. Ex. Ang kanyang kamao’y namayani, ang kanyang boses ay namuno sa buong mundo.

Metaplasmic na mga tayutay- mga tayutay kung saan inililipat, inaalis o idinadagdag ang isang letra o mga letra mula sa kanilang tipikal na kinalalagyan.

Prosthesis--Pagdadagdag ng mga letra sa simula ng isang salita. Ex. Ang ulo ko ay makati.

Aphaersis--Pagtatanggal ng letra o mga letra sa simula ng isang salita. Ex. Ang aklat kong ‘to ay bago.

Epenthesis--Pagdadagdag ng letra o mga letra sa gitna ng isang salita. Ex. Lumabas siya ng kanyang kuwarto.

Syncope--Pagtatanggal ng letra o mga letra mula sa gita ng ng isang salita. Ex. Ba’t siya ganun?

Paragoge--Pagdadagdag ng letra o mga letra sa hulihan ng isang salita. Ex. Nakita ko siya sa labasan.

oh ayan muna ah.. halungkatin ko muna yung mga notes ko..
__________________
Please familiarize yourselves with the posting guidelines.
Reply With Quote
  #6  
Old 9th December 2003, 09:26 PM

kyut_ako kyut_ako is offline
im damn cute!
 
 Join Date: 21-10-2003
  6 month star 12 month star
 Location: LB, Laguna
 Posts: 215
  Send a message via Yahoo to kyut_ako
 Reputation: kyut_ako (10)
Apocope--Pagtatanggal ng letra o mga letra mula sa hulihan ng isang salita. Ex. Kapal’ mo ang mukha mo.

Antisthecon--Pagpapalit sa isang letra o tunog ng salita . Ex. Ang pako ay matulis.

Metathesis--Transposisyon ng isang letra palabas sa normal na pagkakasunod sa isang salita. Ex. Mabangis ang aso. Iwasan.

Mga Tayutay ng Pagtatanggal--mga tayutay ng nagtatanggal ng kung anu-ano. Halimbawa: salita, mga salita, parirala.

Mga Tayutay ng Pagtatanggal

Ellipsis--Pagtatanggal ng isang salita. Ex. Sa pag-iisa, nalimot niya ang problema.

Zeugma--Ellipsis ng pandiwa kung saan ang isang pandiwa ay ginagamit upang suportahan ang ilang mga sugnay. Ex. Kung minahal mo ako, mamahalin kita.

Scesis Onamaton--Pagtatanggal ng pandiwa sa isang pangungusap. Ex. Ang katulong ay masaya sa bahay.

Anapodoton--Pagtatanggal ng sugnay. Ex. Pumunta ka sa salu-salo, sana nga.

Aposiopesis--Pagpuputol sa isang pangungusap upang ang pahayag ay hindi natapos. Ex. Manood ka nang matutunan mo.

Mga Tayutay ng paulit-ulit na salita-paguulit ng isa o higit pang mga salita.

Epizeuxis--Binigyang-diin na paguulit ng mga salita na wala nang iba pang salita sa pagitan nito. Ex. Hindi, hindi, hindi!

Polyptoton--Paguulit ng parehong salita sa magkaibang gramatikong anyo. Ex. Ang awit ng mang-aawit ay maganda.

Antanaclasis--Paguulit ng salita ngunit sa magkaibang mga kahulugan. Ex. Ang araw ay mainit ngayong araw.

Anaphora--Paguulit ng salita sa umpisa ng isang sugnay, linya o pangungusap. Ex. Galit ang mundo! Galit ang hari! Galit ang kapaligiran!

Epistrophe--Paguulit ng salita sa hulihan ng sugnay, linya o pangungusap. Ex. Ang araw ay maganda. Ang ulap ay maganda. Lahat ay maganda.

Symploce--Magkaparehas ang simula at hulihan ng bawat linya, sugnay o pangungusap. Ex. Bakit wagas ang pag-ibig? Bakit tunay ang pag-ibig?

Epanalepsis--Ang simula ay inulit sa hulihan ng bawat linya, sugnay at pangungusap. Ex. Mata para sa mata, ngipin laban sa ngipin.

Anadiplosis--Ang hulihan ng pangungusap ay ginagawang panimulang salita sa kasunod nitong pangungusap. Ex. Mabait siya. Siya ay maganda. Maganda ang kanyang alaga.

Gradatio--Inulit na anadiplosis. Ex. Ang aking nakaraan ay nag-iiwan ng mga alaala. At ang bawat alaala ay katumbas ng sakit. At ang sakit ay nadarama ng aking puso. At ang puso ko ay nagdurugo.

Congeries--Pagtitipun-tipon ng mga salitang may iisang kahulugan sa isang pangungusap. Ex. Ako ngayon ay nalulungkot, nananamlay, nagsusumamo sa pagkawala ng pagmamahal mo.

Antimetabole--Paguulit-ulit ng mga salita sa magkakasunod na mga sugnay nang may baligtad na gramatikong porma. Ex. Ang taong iyan ay walang bahay ngunit ang bahay na iyon ay walang tao.

Pleonasm--Hindi kailangan o walang kwentang paguulit ng mga salita; ang paikut-ikot na antas ng isang parirala. Ex. Si Jane ay maganda, maganda ang ugali ni Jane, si Jane ay may mabuting loob, mabait at maganda si Jane.

Mga Tayutay ng Paulit-ulit na mga Parirala at mga ideya-mga tayuay na naguulit ng mga parirala, sugnay at mga ideya.

Auxesis--Pagkakaayos ng mga sugnay o mga pangungusap ayon sa antas ng kahalagahan (mula sa pinakamahalaga). Ex. Kaya ko. Kakayanin ko. Susubukan ko.

Isocolon--Paguulit ng mga parirala o mga sugnay ayon sa pantay na haba na may tinutugunang gramatikong istraktura. Ex. Ako ay nag-Eespanyol sa Panginoon, nag-Iitalyano sa mga babae, nag-Papranses sa mga lalake, at nag-Aaleman sa mga kabayo.

Tautology--Walang kabuluhang paguulit ng parehong ideya o dalumat sa pamamagitan lamang ng magkaibang mga salita. Ex. Ang Ang silid-aralan ay silid na pinagaaralan.

Chiasmus--Pagbabaliktad ng anyo o mga ideya sa sunud-sunod na mga parirala. Ex. Ang nagnakaw, nalilito; ang pumatay, naguguluhan.

Antithesis--Paguulit ng mga ideya o sugnay sa pamamagitan ng negasyon. Ex. Ang sining ay mahaba, ang oras ay maiksi.

Periphrasis--Ang isang salita ay pinapalitan ng marami na may pareho ring kahulugan. Ex. Ang supot ng mga tsokolate ay malinamnam at matamis.

Mga Tayutay ng Hindi Karaniwang Ayos ng Salita-mga tayutay na bumabago sa ordinaryong ayos ng mga salita sa mga pangungusap.

Anastrophe--Pag-aayos sa pamamagitan ng pagpapalit ng ayos ng mga salita na karaniwang umaayon sa transposisyon ng dalawang salita lamang. Ex. Pigurang pedantikal.

Hyperbaton--Pag-alis mula sa ordinaryong ayos ng mga salita. Ex. Dati bang ganyan ang ugali mo?

Hysteron proteron--Pagbaliktad ng temporal na ayos. Ex. Ang trabaho niya ay pansamantala.

Hypallage--Pagbabaliktad ng mga salita kung saan pinapalitan nito ang dalumat o konsepto. Ex. Buksan ang araw at tingnan kung may bintana.

Parenthesis--Salita, parirala o pangungusap na isinisingit sa isang pangungusap upang mabuo ang konsepto nito. Ex. Ang tatay niya (isang pulis-maynila) ay napatay kagabi.

Mga Tayutay ng Diwa o Layunin-samut-samot na mga grupo ng tayuay na tumatalakay sa emotional na apila at pamamaraan ng argyumento.

Adynaton--Imposibilidad na pagpapahayag ng sarili sa isang paksa. Ex. Aakyatin ko ang langit para lang sa iyo.

Aporia--Deliberasyon ng isang isyu. Ex. Totoo ba ang nagyari? Hindi ko masasabi.

Correctio--Rebisyon ng salita sa isang pangungusap. Ex. Sampung taon na ang nakararaan.

Prosopopoeia--Pagkatawan ng imahinaryong tao bilang nagsasalita o gumaganap. Ex. Ang atong may edad isang-daan ang nagligtas sa batang nakasabit sa gusali.

Apostrophe--Pag-iiba ng direksyon ng kasalukuyang pinag-uusapang paksa sa pamamagitan ng pagpasok o pagpapakilala ng isang bagay o tao na magiging panibagong paksa. Ex. Siya si Ben. Ang kapatid niya ay si Tony na magaling kumanta, gumuhit. Si Tony ay matalino at mabait.

Oh, more than 32 yan ah..OK na ba?
__________________
Please familiarize yourselves with the posting guidelines.
Reply With Quote
  #7  
Old 13th December 2003, 11:03 AM
xImOn's Avatar

xImOn xImOn is offline
°°ximon.IX°°
 
 Join Date: 26-11-2003
  6 month star 12 month star
 Location: philippines
 Posts: 118
 Reputation: xImOn (10)
dami pla ng tayutay....thankyou na rin dhl kailangan ko din to.
__________________
crush ko si kenshin
Reply With Quote
  #8  
Old 13th December 2004, 10:54 PM
ice's Avatar

ice ice is offline
OnLiNeR 32687
 
 Join Date: 15-04-2003
  6 month star 12 month star
 Location: aNg BabAeNg PrObLeMaDa Sa gItNa Ng kAwaLaN
 Posts: 2,433
  Send a message via AIM to ice Send a message via Yahoo to ice
 Reputation: ice (10)
wow!! salamat!! kailangan ko din bukas!!!! yay thnx!
__________________
i'LL dO It BaYbee!!
Reply With Quote
  #9  
Old 7th June 2005, 06:20 PM

~boo~ ~boo~ is offline
Registered User
 
 Join Date: 07-06-2005
  6 month star 12 month star
 Posts: 1
 Reputation: ~boo~ is on a distinguished road (10)
Thanks!

ty! wow i just searched sa google and it so happened that i clicked on ur link... i was looking for types of tayutay and examples of each and i didnt know that there are so many of them.. thanks to you guys.. im gonna use this for my assignment ha? including the examples.. thanks a lot! are all those types of tayutays really in english? no tagalog terms of those tayutays? well anyways thanks again! this is a BIG help!

~boo~
Lesane
Reply With Quote
  #10  
Old 7th June 2005, 07:31 PM
twinsdem2000's Avatar

twinsdem2000 twinsdem2000 is offline
luv_ko_c_**********!!!!!!
 
 Join Date: 05-05-2005
  6 month star 12 month star
 Location: no.38 glebe hollow stranorlar,ireland
 Posts: 165
  Send a message via Yahoo to twinsdem2000
 Reputation: twinsdem2000 is on a distinguished road (10)
anong tayutay?!
__________________
AYAW MO BA?! TROPANG JJJ!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Reply With Quote
  #11  
Old 7th June 2005, 10:52 PM
Holocaust's Avatar

Holocaust Holocaust is offline
Hellbent
 
 Join Date: 11-07-2004
  6 month star 12 month star
 Location: Gehenna
 Posts: 14,179
  Send a message via Yahoo to Holocaust
 Reputation: Holocaust is on a distinguished road (10)
un pla ung tayutay
__________________
to love is to place our happiness in the happiness of another..
Reply With Quote
  #12  
Old 31st July 2005, 10:30 PM
JaJa_27's Avatar

JaJa_27 JaJa_27 is offline
SPAMinistrator
 
 Join Date: 15-03-2003
  6 month star 12 month star
 Location: nakatira sa katol
 Posts: 2,920
 Reputation: JaJa_27 (10)
Red face RE: tayutay!

hhihi filipino lenguatika pla d2
__________________
AsAN Na Mga HamPas Lupa??
Reply With Quote
  #13  
Old 31st July 2005, 10:41 PM
Jeppy's Avatar

Jeppy Jeppy is offline
- h a n -
 
 Join Date: 22-06-2004
  6 month star 12 month star
 Posts: 13,793
 Reputation: Jeppy is on a distinguished road (13)
sarap nmn pakinggan....hihih TAYUTAY!!!
__________________
Reply With Quote
  #14  
Old 1st August 2005, 12:01 AM
JaJa_27's Avatar

JaJa_27 JaJa_27 is offline
SPAMinistrator
 
 Join Date: 15-03-2003
  6 month star 12 month star
 Location: nakatira sa katol
 Posts: 2,920
 Reputation: JaJa_27 (10)
Red face RE: tayutay!

hhihihi parang pina aalis ku tatay ku sa kina uupuan


tay, tayu!.. tayu tay! hihihiiiihhhh!!!
__________________
AsAN Na Mga HamPas Lupa??
Reply With Quote
  #15  
Old 11th October 2006, 02:38 AM
trojan_18's Avatar

trojan_18 trojan_18 is offline
Registered User
 
 Join Date: 11-10-2006
  6 month star 12 month star
 Posts: 1
  Send a message via MSN to trojan_18 Send a message via Yahoo to trojan_18
 Reputation: trojan_18 is on a distinguished road (10)
Smile hay!

tnks sa tayutay kng hndi buti na lng at nakta ko narin to exam na kac nmn
kahit papaano eh naintindhan ko lalo ang mga big sabhn ng bawat isa
tnks again kaya naisipan kong sali na rin d2: jeremiah
Reply With Quote
Propaganda



Sponsored links

Reply


Thread Tools
Display Modes Rate This Thread
Rate This Thread:

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off


All times are GMT +8. The time now is 12:15 AM.

Steel Blue Style ©2005 vBEnhanced
Powered by vBulletin® Version 3.6.8
Copyright ©2000 - 2008, Jelsoft Enterprises Ltd.
 

Valid XHTML 1.0!   Valid CSS!

Praning.com 2006 Travel, Jokes, News Links

vRewrite 1.5 beta SEOed URLs completed by Tech Help Forum and Chalo Na.
Page generated in 0.27853 seconds with 11 queries